Dealing With The Rubber Duckies

Posted: October 16, 2011 in Uncategorized

Rubber Duckies

I don’t know when it started but somewhere in the middle of my life I decided I needed to be surrounded by rubber duckies. Yep, sila nga! Pero ngayon ko lang na-realize. I guess talagang mahirap nang makahanap ng true friends noh!

Bakit nga ba may rubber duckies pa? Nakakaloka kung isipin kung ano ang gusto nyang papel sa buhauy mo, isang BFF and at the end sya ang worst enemy mo, para lang maging esciting ang buhay mo.

Plastic kapag…..

Tuwing may makikitang bagong gamit ka, ang tanong agad ay “Anong brand ‘yan?”. Tiyak hindi agad siya magagandahan kapag hindi kilalang “brand name” ang may gawa noon.

Gusto lang magpunta sa “party” na idaraos sa maganda at malaking bahay o sa kilalang night club o restaurant.

Madaling mahikayat ng mga may kotse o latest gadgets.

Kunwari ay mapili sa pagkain o inumin. Ayaw ng dinuguan dahil nakakaitim ng ngipin, ayaw ng adobo dahil malangis, ayaw ng ganoon at ganito kesyo kung anu-anong dahilan.

Mahilig sa chismis.

Ayaw magpapaiwan sa istorya. Pag may nagkwento na nakapunta ang isa sa ganoong lugar, siya din nakapunta na at dadagdagan pa ng ibang mas sikat na lugar.

Gusto siya ang laging una. Siya ang dapat munang inimbita sa halip na ang iba niyang kakilala. Siya muna ang dapat silbihan da handaan. Siya muna ang dapat alukin ng kahit ano.

Maligaya lamang kapag nakakita ng kwarta.

Mabait at magiliw pag may kailangan sa iyo. Etat ka na kapag hindi mo nagawa o naibigay ang nais niya.

Mahilig magpunta sa mga mamahaling lugar at kainan, pero ang gusto ikaw ang gagastos.

AT kahit kailan, hindi mo maaasahan mapakiusapan man lamang o mahilingan ng kahit ano. Bale wala ang lahat, siya ang sentro ng sangkalibutan at lahat ay nabubuhay lamang para pumaligid at sundin ang nais niya! Plastic na, makatok pa!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s